Love Me, My Prince

Chapter 95 - Your recent boyfriend

Hindi alam ni Bella kung ano ang tamang reaksyon sa sinabi ni Kai. She has this confused look around her face. 

"Nagugutom na ko… hindi man lang ako pinakain ng mga walang awang si Prin at Cally" parang bata na reklamo nito sa kanya. 

Walang nagawa si Bella kung hindi ang subuan si Kai. Kumakabog ang dibdib niya habang ginagawa iyon. Iyon ang unang beses niya na magpakain at hindi maiwasan na mapatitig siya sa manipis na labi ng lalaki. 

Halos lahat sa parte ng mukha nito ay perpekto na aakalain mo talaga na finished product ni Belo. His Korean black eyes is distracting, parang mata ni Sehun ng Exo. Madaling mabasa sa mga mata na iyon ang totoong saloobin nito. His Jaw, his nose at kahit hugis ng mukha ni Kai ay nakakagambala sa pagkatao niya. 

Napapalunok siya tuwing susubuan ito ng pagkain. Ang walang hiya, parang ninanamnam pa ang bawat pagkagat sa dala-dala niyang yangchow. 

"Pwede bang bilisan mo para makauwi na ko!" 

"D'yan ka lang naman sa tapat nakatira. As if naman na gagabihin ka at mayroon kang curfew" katwiran nito sa kanya. 

"Kahit na, gabi na, saka hindi pa ko inabot ng dis-oras ng gabi sa bahay ng kahit na sinong boyfriend ko. O mas tamang sabihin na hindi pa ko nakarating sa bahay ng kahit sino sa kanila" namumula ang pisngi at halos bulong na sabi niya. 

"bakit? Ilan ba lahat ng ex mo?" interesadong tanong nito. 

Nahihiya na inangat ni Bella ang lahat ng daliri niya. Nanlaki ang mata ni Kai. 

"Ten? You have 10 exes?!" nalukot ang mukha ni Kai. Samantalang siya ay wala pa ni isa. Ganito na ba ang mundo ngayon? Bakit huli yata siya sa ikot ng mundo? 

Tumango naman si Bella bilang sagot. Napakamot siya sa pisngi at pinilit na magdahilan. 

"Well, you see? Halos lahat sila ay tipong sinagot ko lang because I thought it was love. I started dating since I was… ten"

"The first person is Ken… it was not actually dating, it's more of puppy love. Nagstart ang talagang pakikipag-relasyon ko when I was 17 because he is my first ever crush but I learned that he was not really into our relationship. Ang mga sumunod ay pa-isa-isang linggo. Until recent na maging boyfriend ko si Josh na umabot ng three months…" halos hindi niya tingnan sa mata ang lalaki. 

Masama ang tingin na pinukol ni Kai kay Bella kaya nakaramdam siya ng panlalamig sa katawan. 

Humugot ng malalim na hangin ang binata. Madami pa pala siyang kakainin na bigas 'pag dating sa pakikipag-relasyon. He is twenty two and has never experienced dating.

Saan siya magsisimula at paano? 

"Gabi na, kaya uuwi na ako." paalam ni Bella. Tumayo na siya at tinungo ang pintuan. Kinakabahan kasi siya sa lamig ng pagkatao ni Kai. 

Binuksan niya na ang pintuan ng unit niya. Hindi niya alam na nakasunod pala sa kanya si Kai sa likuran. 

"Kapag natapos ang issue ni Cally, gusto mo bang sumama sa akin sa Taiwan?" narinig niyang sabi nito sa likuran. 

Nilingon niya ang lalaki kasabay ng pagbukas ng pintuan. "Why?" 

"Because, it was beautiful out there. And… I want you to meet your future in-laws because I will make sure that your recent boyfriend would be your last." 

"Ahm… Wait lang!" pumasok si Bella sa loob ng unit niya at tila tumili ng walang tunog. Pinapagaspas pa sa hangin ang dalawang braso niya at parang kiti-kiti na hindi mapakali sa sobrang kilig. Kinalma niya rin agad ang sarili. 

Binuksan niya muli ang pintuan at natagpuan si Kai na seryosong naghihintay doon sa pintuan nito. 

"*cough* I was just checking my passport kung hindi pa expired." dahilan niya. 

"Okay. See you tomorrow, I think pwede na akong pumasok bukas." may plano na kasi si Cally sa buong gabi na iyon kaya alam niyang ilang araw na lang tapos na ang problema nito sa mag-amang Mayor at Luna, pati sa opisina. 

"Okay! Goodnight!" sabi ni Bella saka dahan-dahan na sinara ang pintuan. 

Para siyang nasa langit at wala sa sarili na inihulog lang basta ang katawan sa kulay pink niyang kama. 

Gusto niyang tumili ng totohanan para mailabas ang kilig. 

Maya-maya, nagbeep muli ang cellphone niya sa bag. Kinuha niya iyon at nakita ang notification na may bagong post ulit si Kai. 

Isang larawan ang post nito. Larawan niya habang nililinis niya ang kamay nito na may sugat at bubog. Hindi niya akalain na ninakawan siya nito ng picture. Nakayuko siya doon at umagaw sa atensyon niya ang mensahe ng lalaki. 

[KaiJeonJang :Good night, My Angel] 

Tap the screen to use advanced tools Tip: You can use left and right keyboard keys to browse between chapters.

You'll Also Like